Reality Check!


Tuesday, September 13, 2005

the search for the best wallet

The search for the best wallet. - OO, tama ka... naghahanap nga ako ng wallet. Pano kasi yung wallet ko, hindi na maswerte. Palagi na akong walang pera. Kaya pagkagaling sa eskwelahan, dumeretcho agad ako sa mall para maghanap ng bagong wallet. Ang hirap talaga!

Una kong pinuntahan yung wallet na dati kong nagustuhan, ilang bwan na ang nakakalipas. Baka kasi andun pa yun, sayang naman. Nangnakarating ako sa store, nandun pa pala yun. Nagiisa na lang. Sinipat ko yung wallet at habang tumatagal, lalo kong nakikita na hindi pala maganda ang pagkakagawa sa wallet na yun. Sayang naman. Akala ko kasi ayos na, may wallet nako. Bagay na bagay pa yun ichura nya sa personalidad ko.

Naghanap na lang ako ng ibang wallet. Nakarating ako sa Mango at may nagustuhan din naman akong wallet doon. Tamang tama yun wallet. Kulay puti iyon - ang paborito kong kulay. kakaiba ang disenyo nito. Kahit saan ay wala pa akong nakikitaang may ganung disenyo. Angkop na angkop din ang mga lalagyanan nito sa mga ilalagay ko. Bibilhin ko na dapat iyong wallet kaso nang nakita ko kung magkano, hindi pala sapat ang pera kong dala. Kulang pala.

Dahil hindi sapat ang aking pambili, pumunta ako sa mga tiangge. Madaming wallet. Mura lang. Iba't ibang disenyo, iba't ibang kulay. May malaki, may maliit. Iba iba talaga. Kahit madaming pagpipilian, wala parin akong nagustuhan. Wala kasing "swak" para sa akin. Madami dami narin ako ng nakikitaan na may gamit ng ganoong wallet. OO nga, pwede na rin... pero gusto ko, sa akin yung kakaiba.

Napapagod nako sa paghahanap ng BEST wallet. Naalala ko, may wallet pa nga pala akong isa pa na nakatago lang sa bahay. Nagamit ko na rin iyon dati kaso, parang iba - parang walang swerte. May pagka malaki rin ito. Hindi ko gusto yung kulay, pero mapapagchagaan narin. Maganda yun pag nagcocommute. Madali lang kasing gamitin pag nagcocommute ako o kaya pag ako'y nagmamadali. "Reliable" kung baga.

Lakad lang ako ng lakad hanggang nagpasya nalang ako na hindi na lang muna ako magpapalit ng wallet. Bakit nga ba ako nagmamadali mag palit ng wallet? OO nga't luma na ang wallet ko, hindi na maswerte, may konting sira na rin pero sa ngayon iyon lang talaga ang wallet na aangkop sa akin.

...Para pa lang ang paghahanap ng wallet ay ang paghahanap ng taong mamahalin mo (shempre isingit nanaman daw ba ang LOVE?! Chenes!).

Sinubukan ko bumalik sa wallet na akala ko'y maganda at bagay sa akin. Pero ng masipat ko ito ng mabuti, hindi pala iyong wallet na iyon ang babagay sa akin. Hindi pa pala iyon ang tamang wallet.

Iyong wallet sa Mango? Gustong gusto ko din iyon. Minsan ka lang kasi makakita ng ganoong wallet. Pero ano namang magagawa ko kung hindi ko talaga maabot ang wallet na iyon? Pagpipilitan ko ba? Magwiwithdraw ba ako sa atm? ichcharge sa credit card? Ipapangutang ko ba? May mga bagay talaga sa mundo na sadyang mahirap maabot. Siguro sa ngayon hindi mapapa sa akin iyong wallet na iyon... pero malay mo.

Iyong wallet sa changge. Grabehan! Ang dami talaga at mura pa! Iyon, madaling abutin - madaling bilhin. Madami na ring taong may ganoong klaseng wallet. Pero bakit kaya hindi ko ito binili? I don't want to settle for anything less. I want to have the best. OO nga, madami sila. Bawat changge ay umuulan ng ganung klaseng wallet pero ayoko kahit ordinaryo. Siguro kasi alam kong, darating din ang araw na makakita ako ng tama at magandang wallet para sa akin.
At iyon nga palang luma kong wallet na nakatago, Iyong wallet na iyon ang aking takbuhan pag feel ko lang na magpalit ng wallet. Nandon lang kasi sha palage. Pero, kahit ilang beses ko talaga subukang balikan iyong wallet na iyon, gaano man ito ka reliable, wala pa rin iyong matinding pagkagusto na gawin kong permanenteng wallet iyon - wala talagang "swerte".
Hay nako, naisip ko lang, bakit nga ba ako hanap ng hanap ng wallet e wala nga pala akong pera. Wala pa nga pala akong mailalagay sa wallet na magugustuhan ko. Wala.
Wala pang pag ibig (charooo!). Gastos dito, gastos doon. Mashado ata akong na engganyo sa pag gamit sa wallet ko, kaya eto... wala nang natirang laman dito.

Pansin ko, mashado pala akong nagmamadali maghanap ng taong mamahalin(oo na, boyfriend na! charoo talaga!). Sa totoo naman, meron pa talaga akong minamahal. OO nga't luma na sha (nasa memorya na lang nga e), may sira na rin ang aming samahan (wag mo ng itanong, matagal na kaming wala), hindi na maswerte dahil ilang luha na rin ang aking iniyak...(chang! hindi lang balde!) pero alam kong, sa kabila ng mga depektong iyon, yun taong iyon sa ngayon ang kaya ko lang tanggapin. Iyong wallet na iyon lang talaga ang kaya kong gustuhin.

Malungkot no? Hindi nako nakakita ng tamang wallet... pero malay natin... pag dating ng oras... pag nag ka pera nako... pag tama na ang panahaon... kapag ok na ko...

Posted by Thinker :: 9:26 PM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------