Sunday, September 11, 2005 Ngayong Kahapon Ito ang epekto ng pag-iisa sa bahay. NGAYONG KAHAPON Nakakapagod din mangarap… …Na bukas ang langit ay bughaw… Kasabay sa paglago ng damo… …Ang pagtingkad ng araw At ang agos ng luha. Mahirap magtago sa kawalan… Magpanggap na Lumipas na. Ang ngayon ay kahapon pa rin. Tahimik ang buhay kung mag-isa… …Walang gulo, simple lamang. Maraming bago ngunit isa ka nalang… Na hahango sa makabagong araw. Mabilis ang pag patak ng oras… At patuloy parin ang laro ng buhay. Imiikot sa ilalim ng tadhana… Wala ng mabakas sa kanyang mukha. Sa loob ng gubat ng panaginip, Gusto ng patuloy na maligaw. Ayaw kumawala dahil nandoon ka.. Dahil sa pag gising, ako’y nagiisa. *para sa MAHAL.
|