Reality Check!


Friday, June 09, 2006

Baliw

Sa pagpikit ng mga mata,
may isang mundong di sinasadyang makita.
Lahat ay posible...
Lahat ay malaya...
Kada isang isip ay may nalilikha.
Ito ay aking sinimulan
dahil sa mga bagay na gustong takasan...
...ang sakit
...ang kalungkutan
...ang poot
...na dulot ng mga taong sarado ang pagiisip
at pilit na nagmamaang-maangan.
Ang mundong itinago,
nagdala ng sikretong galak.
Isang damdaming walang makatanggap.
Isang kasinungalingan na patuloy na niyayakap...
...wag lamang maramdaman ang habag ng iba.
Ngunit sino ang may sala?
Ang tadhanang patuloy sa kalupitan?
Ang isip kong napuno na lamang ng ikinubling pangarap?
Ang damdamin kong dinapuan ng kalungkutan?
O ang realidad na hindi ko na talaga maintindihan?

Posted by Thinker :: 11:51 PM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------